May report si Sammy Julian, reporter ng Panay News at presidente ng
MalacaƱang Press Corps, na hindi na raw sinasagot ni U.S. President Bush
ang mga tawag ni Pangulong Arroyo. Nasa Washington D.C. si Sammy at nakapaginterbyu siya ng mga opisyal doon.
Sabi ni Sammy, malabo raw na magkaroon ng one-on-one miting si Bush at si Arroyo sa kanilang pagdalo sa APEC meeting sa Chile sa susunod na buwan. Talagang inis ang mga Amerikano kay Arroyo sa kanyang pagpapauwi sa mga sundalong Pilipino kapalit ng buhay ni Angelo dela Cruz. Alam naman ng lahat na napilitan si Arroyo na gawin 'yun dahil takot rin siyang matumba kapag tumindi ang galit ng mga tao sa kanya. Ako, tama lang na pinauwi ang mga Pilipinong sundalo. Dapat nga hindi tayo nagpadala doon ng sundalo sa Iraq. Kaya naman nalagay sa alanganin ang buhay ni Angelo dela Cruz dahil sa pagsisipsip ni Arroyo kay Bush.
Ang tingin raw ng Amerikano ngayon kay Arroyo ay hindi mapagkakatiwalaan. Nadidismaya raw ang mga Amerikano sa pamamalakad ni Arroyo ng pamahalaan lalo na sa isyu ng corruption. Iba ang salita, iba ang ginagawa. Mabuti rin naman na nakita ng Amerikano ang tunay na kulay ni Arroyo.
Tuesday, October 12, 2004
More on Bush and Gloria
More from Ellen Tordesillas on the news that Bush and Arroyo are not speaking to each other anymore:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment