Ang galing talaga sa moro-moro itong Malacañang.Marami na ngang nakakahalata diyan kay GMA na yan.
Nagpalabas ang Department of Justice ng opinyon na kumakampi sa ipinalabas ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite na hindi maaaring magpatuloy si Edu Manzano sa pag-i-emcee sa TV habang siya ay chairman ng Optical Media Board.
Bakit ba sila nagpapagod pang pag-aralan ang mga ganyang kasong klaro namang labag sa batas maliban sa lantarang "conflict of interest". Presidential appointee si Edu Manzano. Di, bawiin ang appointment at palitan ng walang sabit.
Siyempre hindi gagawain 'yan ni Arroyo dahil isa si Manzano sa mga artista na kumampanya sa kanya noong eleksyon.
Ganoon din itong kaso ni Winston Garcia, general manager ng GSIS. Kung anu-ano na ang lumabas na nagpapakita kung paano na mismanage ang GSIS sa ilalim ni Garcia ngunit ano ang sagot ni Arroyo: "Sinabi ko sa kanya na magpaliwanag sa tao. Tingnan natin kung maniniwala ang mga tao."
Anong klaseng sagot 'yun. Bakit ang mga tao ba ang nag-appoint kay Garcia sa GSIS? Halata namang hindi naniniwala kay Garcia ang mga tao, tatanggalin ba siya ni Arroyo?
Madali namang alisin si Garcia kung mahalaga kay Arroyo ang kapakanan ng taumbayan. Kaya lang mukhang malayo ang taumbayan sa prayoridad ni Arroyo. Siyempre ang mahalaga sa kanya ay ang sarili niya at doon mahalaga si Garcia kasama ang kanyang buong angkan sa Cebu.
Alam natin kung bakit nakaupo si Arroyo sa Malacañang ngayon kahit na ang paniwala ng maraming tao ay hindi siya nanalo noong eleksyon. Sinabi ni Arroyo na ang boto ng mga Cebuano ang nagpanalo sa kanya noong eleksyon. Malaki talaga ang utang na loob niya sa mga Garcia dahil sa ilang presinto nga mas maraming boto kaysa botante.
Kaya habang hindi kumikilos si Arroyo, hindi rin bumibitaw sina Manzano at Garcia. Nakasandal yata sa pader.
Monday, October 11, 2004
More on the Untouchables
From Ellen Tordesillas:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment