From Abante:
Lozano takbo sa SC
(Grace Velasco)
Dumulog na sa Korte Suprema si Atty. Oliver Lozano upang kuwestyunin ang pagkakabasura ng impeachment complaint na inihain niya sa Kongreso.
Sa apat na pahinang motion for extension with manifestation na inihain ni Lozano, iginiit niyang hindi dapat na binalewala ng mga mambabatas ang kanyang complaint dahil taglay naman nito ang mga basehan para maipa-impeach ang Pangulo.
Iginiit ni Lozano na maraming argumento ang binalewala ng House Justice Committee sa pagtalakay sa Lozano complaint tulad ng public apology ng Pangulo na nangangahulugan lamang na ito ay isang halimbawa ng betrayal of public trust.
"Betrayal of Public Trust is catch-all. It includes all impeachable offense," ani Lozano.
The Impeachment bloc, OTOH, will not go to the SC anymore.
No comments:
Post a Comment