And yes, ABS-CBN slants pro-Arroyo in it's coverage of GLORIAGATE.
From the PJI:
SISIBAKIN na nga ba ng MalacaƱang si Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Maria Consoliza-Laguardia dahil sa kontrobersiyang dulot ng reality-based show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN Channel 2 na nais nitong ipasuspinde ng isang buwan?
Ganito ang naging usap-usapan ng mga opisyal at empleyado sa pagdiriwang noong nakaraang Lunes ng kaarawan ni Laguardia sa tanggapan ng MTRCB sa Quezon City.
Sinabi ng mapagkakatiwalaang sources na malungkot si Laguardia sa kaarawan nito matapos kumalat ang mga bali-balita na hanggang sa Oktubre 1 na lamang ito at ibibigay na ang posisyon sa ibang tao at hindi na muling itatalaga.
Ngunit, nalaman sa source na konektado umano ang kontrobersiya sa ginawang pagsuspinde ng MTRCB sa pangunguna ni Laguardia sa Pinoy Big Brother ng isang araw.
Ayon sa source, ibinaba ni Laguardia ang desisyon para sa isang buwang suspensiyon na grabeng ikinagalit umano ng ABS-CBN Broadcasting Corporation kung saan nagresulta na lamang sa isang araw na suspension na ipinataw noong nakaraang Linggo.
Inihayag ng sources na isang malapit sa MalacaƱang na kasangga ng pamilya Lopez ang humi-rit umano ng ulo ni Laguardia.
Nabatid sa sources na si Viva owner Vic del Rosario ang "sumaklolo" noon kay Laguardia na nagresulta upang bawiin ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang pinirmahan nitong liham na nagsisibak kay Laguardia sa posisyon noong nakaraang taon.
Hindi naman nakumpirma kay Laguardia ang mga balita-balita dahil wala ito sa kanyang tanggapan.
Nalaman din sa sources na hindi nagpunta ang karamihan sa mga bisita ni Laguardia sa industriya ng telebisyon at pelikula, kabilang ang ABS-CBN Channel 2.
Laguardia btw, is the same MTRCB chair who tried to ban LIVE political talk shows, public affairs programming, news documentaries if they don't get prior approval from the MTRCB, dahil may potential ang mga ito na mag "incite to sedition" against the bogus president. LOL.
No comments:
Post a Comment