Maigting na itinanggi kahapon ng MalacaƱang at ni Justice Sec. Raul Gonzalez na ipinoporma na ng pamahalaang Arroyo ang Martial Law ngunit inamin nitong ikinukonsidera nila ang pagtakeover sa ilang piling industriya, kabilang ang mga kumpanya sa ilalim nito, oras na lumubha pa ang masamang lagay ng ekonomiya sa bansa.
"Magpapabaril ako bukas kung magdedeklara kami ng Martial Law," binitiwang mga kataga kahapon ni Gonzalez bilang reaksyon sa akusasyong unti-unti nang inilalatag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Batas Militar at ito’y unang nararamdaman sa paninikil sa mga rallies sa lansangan na gumigiit sa pagbaba nito sa puwesto.
Inamin ng kalihim na isang malaking ‘kabaliwan’ kung mayroon mang magpapayo sa Pangulo na magdeklara ng Martial Law dahil nakasisigurong hindi ito lulusot sa Senado. "It is exercise in futility because Senate will not allow it," ani Gonzalez.
Gayunpaman, pinag-aaralan umano nila ang mga probisyon ng Saligang Batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Chief Executive para maisalba ang ekonomiya ng bansa kung sakaling manganib ito hindi lamang dala ng krisis kundi maging sa banta at perwisyo ng mga kilos protesta sa lansangan.
"What I will admit is we have studied options if the economy worsens, Article 12 under Sections 17 and 18, the state may takeover vital industries temporarily. If it would affect national security, Section 18 speaks that government may operate vital industries and may pay just compensation of the same," anang opisyal.
Inamin din ni Gonzalez na isa sa puntiryang i-takeover ng pamahalaan ay ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco ni dating Pangulong Corazon Aquino.
May hidwaan ngayon sa pagitan nina Aquino at Arroyo dahil sa puspusang pangangampanya ng una para pababain sa puwesto ang huli. Tumanggi naman si Gonzalez na iugnay sa pulitika ang ginagawa nilang pag-aaral sa opsyon ng ‘industrial takeover’.
Ayon sa ilang political analysts, ang sinasabing ‘takeover’ na ito ay wala umanong pinag-iba sa ‘sequestration’ na ginawa noon ni yumaong strongman Ferdinand Marcos sa ilang kumpanya ng mga kalaban sa pulitika noong panahon ng Martial Law.
Monday, September 26, 2005
Pag-Sequester sa mga kumpanya, isusunod na
Hacienda ni Cory ang isa sa unang target. From Abante:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment