Hindi lamang umano pagbabayad-utang sa mga kongresistang naging kasangkapan ng MalacaƱang sa pagpatay sa impeachment case ang binabantayan ngayon ng oposisyon kundi pati na rin ang magiging resbak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanilang hanay.
Ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, inaasahan ng pro-impeachment group, sa pangunguna ng limampu’t isang congressmen at ilang personalidad na nasa likod ng pagtutulak sa kaso laban kay Mrs. Arroyo ang magiging buwelta ng administrasyon.
"Isa pang gagawin niya sa nakikita natin, isa-isa niyang babalikan, gagantihan ang mga na-involve sa effort ng pag-impeach sa kanya. Pero magagawa ba niya lahat ito? Sinong tatargetin niya? More or less may idea tayo sino ang target niya," prediksyon ni Lacson.
Nagbabala rin si Lacson na lalo pang magkakawindang-windang ang liderato ng Pangulo kapag niresbakan ang mga kongresistang pumabor sa impeachment complaint, katulad din sa ginagawa nitong pagbabayad-utang sa mga pinakinabangan upang maibasura ang reklamo sa Lower House.
"Pero lalong magkakaloko-loko ang governance dahil ang concentration na lang niya ay paboran ang mga tumulong at gantihan ang mga nagtutulak na ma-impeach siya so wala na tayong kinabukasan," ani Lacson.
Tuesday, September 13, 2005
Iisa isahin ng adminstration ang Pro-Impeach bloc
From Abante-tonite:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
The people are watching....
and the people are not ignorant of what is happenning.....the time will come...if proven to be right.
the people will protect, those who need protection...
the power and authority given to the presidency cannot be use for personal gain....
the President should keep on mind that public office is a public trust.........
Remember that the people are watching her every step, every move, and every decisions.....
do not test the people...or else!
Post a Comment