Inihalintulad ng Senado sa Martial Law noong 1972, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, ang pagbabawal sa mga estudyante at guro na sumali sa kilos-protesta o demonstrasyon.
Ayon kay Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., ibinabalik ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nangyari noong Martial Law kung saan unang nirendahan ni Marcos ang mga estudyante at guro na sumali sa rally.
Isang malaking paglabag sa karapatan ng bawat indibidwal, ayon kay Pimentel, ang pagbabawal ng Department of Education (DepEd) sa mga kabataang estudyante at guro na sumama sa rally lalo pa’t isang demokratikong bansa ang Pilipinas.
Paglabag sa constitutional rights ng mga estudyante at guro na sumama sa mga pagtitipon sa lansangan ang direktiba ng DepEd kung kaya’t mas makakabuting lusawin bago malagay sa balag ng alanganin ang MalacaƱang.
"Parang ibinabalik nila iyong nangyari noong Martial Law," ani Pimentel, kasunod ang buweltang nagiging paranoid ang MalacaƱang sa demonstrasyon dahil sa eskandalong kinasasangkutan ni Mrs. Arroyo.
Even Sen. Noted agrees.
2 comments:
Are private schools affected by the ban?
i don't think so.
Post a Comment