Ang terorismo ay lumalago sa isang environment na mahina ang liderato. Natabunan ng pagbabalik ni Hello Garci ang balita noong unang linggo nitong buwan tungkol sa dalawang militanteng Indonesian na umalis sa Jemaah Islamiyah at nagpatayo ng base sa Mindanao.
Ang dalawang Indonesian ay sina Dulmatin at Umar Patek at kasama sila sa operasyon na pagbomba sa Bali noong 2002 kung saan sobra sa 200 katao, karamihan Australian, ang namatay. Si Dulmatin ay isang electronics specialist at kilala sa kanyang galing na gumawa ng bomba. Si Patek naman daw ay magaling sa recruitment. May patong na $10 milyon para sa ulo ni Dulmatin at $1 milyon naman kay Patek.
Pumasok daw sa Mindanao ang dalawa sa tulong ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, na nakikipag-usap sa pamahalaang Arroyo. Ngunit nasa pagkukupkop sila ng Abu Sayyaf.
Mahirap kasing ipaghiwalay ang MILF at Abu Sayyaf dahil ang marami sa kanila, miyembro ng parehong grupo.
Aba, akala ko "willing partners for peace" na ang MILF? BTW, whatever happened to the "peace plan" na malapit na raw pirmahan ng MILF at ng gobyernong Arroyo? Ano tuloy pa ba yan?
Anyway, back to Ellen's article:
Noong isang linggo, guest sa Bulong-Pulungan sa Westin Philippine Plaza si Maria Ressa, na ngayon ay nasa ABS-CBN. Dating nasa CNN si Maria ay kinikilala siyang eksperto sa terrorism.
Sabi ni Maria, lahat daw na mga pasabog na ginawa ng Al Qaeda ni Osama bin Laden, kasama na ang pagpasabog sa World Trade Center noong September 9, 2001 ay may kinks sa Pilipinas. Ang JI ay ang bisig ng Al Qaeda rito sa Asia.
Ang pagpatayo ng base ng dalawang militanteng Indonesian sa Mindanao ay nagpapahiwatig na sa pag-akala nila mas madali silang gumalaw rito. Isa na siguro ang sitwasyong pulitikal dito sa bayan ngayon kung saan ang liderato ay hindi ginagalang ng mga tao.
Katulad ng anti-terror bill na nahihirapang maipasa ng administrasyon sa Kongreso dahil ang suspetsa ay gagamitin ni Gloria Arroyo ito hindi laban sa terorismo kundi sa kanyang mga kalaban sa pulitika. Paano naman sa kanilang definition ng terorismo, magra-rally ka lang, pwede ka nang terorista.
Dahil sa wala tayong anti-terrorism law, maraming lusot ang mga terorista.
Iyan ang pakay ni John Negroponte, director for intelligence ni George Bush, sa kanyang pagbisita rito sa Pilipinas noong isang linggo. Alalang-alala na ang Amerika sa sitwasyon.
Patuloy ang kapit ni Arroyo kahit karamihan sa mga Pilipino ay walang tiwala sa kanya. Mahina na siyang lider. Kaya, habang tumatagal si Arroyo sa pwesto, lalong sasamantalahin ng mga terorista ang pagkakataon at palalawakin ang kanilang aktibidades.
More: the AFP is not happy with the MILF.
ZAMBOANGA CITY ---Inakusahan kahapon ng militar ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsasagawa ng sikretong pagsasanay ng mga re-beldeng miyembro, kabilang na ang nakakagulat na bagong indok-trinasyon sa suicide attack missions na kapapalooban ng suicide bombers.
Mismong si Southern Command (SouthCom) chief Lt. Gen. Edilberto Adan ang naglatag ng impormasyon sa isang news conference kahapon matapos matanggap ang nakakagimbal na impormasyon.
"There had been decentralized and specialized training activities with the purpose of enhancing the military skills of its members and maintain their war-fighting preparedness," ani Adan.
Kabilang umano sa mga ginagawang sikretong pagsasanay ay ang commando tactics, guerilla warfare, weapons at marksmanship at explosives.
Ngunit sa halip na kakitaan ng pagkayanig ay buong katapangang binalaan ng SouthCom chief ang MILF at inakusahan itong lumalabag sa ceasefire agreement na nilagdaan noong 2001.
"I am warning the MILF that any training activity that is military in nature is considered an offensive action," dagdag ng heneral.
Nasa gitna ngayon ng peace talks ang MILF at mga kinatawan ng pamahalaan sa pag-asang matitigil na ang tatlong dekadang karahasan sa Mindanao dahil sa patuloy na pakikibaka ng MILF laban sa tropa ng pamahalaan.
O, akala ko ba gusto na ng MILF ng peace? bakit ganyan?
No comments:
Post a Comment