Monday, December 12, 2005

Sayang hindi ko napanood ito

A Jaycee Parker and Angelu de Leon showdown on the dance floor last night.

Malamig man ang simoy ng hangin ngayong Disyembre, siguradong mag-iinit ang gabi mo ngayong Linggo, 9:00 PM sa ABC-5 dahil mapapanood na ang showdown ng mga bagong dance divas na sina Angelou de Leon at Jaycee Parker sa dance floor.

Isa sa kanila ang magiging first monthly champion ng Shall We Dance: The Celebrity Dance Challenge at mananalo ng kalahating milyon.

Ang dalawang pares ay magpe-perform ng dalawang klase ng sayaw -- isang pinili ng SWD production at ang pangalawa ay dance of their choice na siyempre dapat galing sa official list of dance selections.

Si Michael Gualvez ang partner ni Angelu at si Ely Damasin naman ang partner ni Jaycee.

Isang hot showdown talaga ito na hindi dapat ma-miss.

Pero, dapat ding abangan ang showdown ng SEAGAMES 2005 Dancesport gold medallist na sina Rico Rosimo at Filomena "Faye" Salvador at silver medallists na sina Emmanuel "Noel" Reyes at Maira Rosete sa show. Exciting, `di ba?

Siyanga pala, next week ay mga bagong set ng contestants na iba-iba ang forte ang magiging challengers ng SWD. Sila ay sina Long Mejia with Rhea MuaƱa, Paolo Paraiso with Karen Francisco, Maui Taylor with Michael Badong at Angelika dela Cruz with Jorge Manansala.

Woo hoo! Can't wait for next week.

No comments: