UPDATE: Sabi ni Ellen:
Kung walang kinalaman ang MalacaƱang sa pag-wiretap kay Virgilio Garcillano, bakit hindi sila nag-imbestiga para malaman kung sino ang may kagagawan?
Isang bagay lamang ang ibig sabihin ng hindi pagkilos ng MalacaƱang para malaman ang ugat ng “Hello Garci” tapes: sila ang may kagagawan.
Ang aming nakuha na impormasyon ay sina Mike Arroyo ang nagpa-wiretap kay Garcillano dahil alam nilang “for sale”. Nag-alala sila na baka mag-offer ang oposisyon ng mas malaking amount at ibebenta sila.
Naala-ala nyo sa testimony ni Michaelangelo Zuce may binigay na cellphone si Lilia “Baby” Pineda kay Garcillano? Smart ang kanyang linya. Yun ang cellphone na naka-wiretap.
Naniniwala akong alam ni Gloria Arroyo ang operasyon na pag-wiretap kay Garcillano. Kaya lang kampante siya dahil sino ba naman ang mag-akalang lalabas ang tape.
Hmmm, may bug o tracking device kaya yung cellphone na ibinigay ni Baby Pineda kay Garci?
Ang ganda kasi ng pagkaka-wiretap eh, LOL. Diba kuya D.?
Eto pa:
Kung sino man ang nagbayad para sa tape, dapat pasasalamatan ng bayan.
Ikinuwento sa amin ni Dinky Soliman, dating Social Services secretary, nang kinukumbinse nila si GMA na aminin na siya nga ang sa tape at humingi na lang ng tawad, alalang –alala raw si Arroyo na baka kasama sa mga tapes na hawak ng oposisyon ang pag-uusap nila ni dating Justice Secretary Nani Perez.
Nandoon kaya yun sa mga tape na hawak ni Ong? Ibig sabihin noon, talagang may ibang operasyon na ginawa ang ISAFP kay Gloria Arroyo.
Ano naman kaya ang pinag-usapan ni Arroyo at ni Nani Perez na takot na takot si Arroyo marinig ng publiko? Romantic kaya?
Kung totoo yung kwento na na-wiretap rin yung sweet nothings nina GMA and Nani at hawak ito ni Ong, then Ong should be commended for not making public the sordid details of GMA and Nani-honey’s luv affair.
It shows na may restraint siya.
No comments:
Post a Comment