Mag-ingat sa pagtingin sa mga pulis-Parañaque dahil puwede kang hulihin at akusahang terorista.
Ito’y matapos na mahuli ang reporter ng pahayagang ito ng dalawang aroganteng miyembro ng Parañaque Police Community Precinct No. 4 na napatingin lamang sa dalawang pulis na nakasakay sa scooter habang nagka-counter flow ito sa kahabaan ng Sucat Road sa tapat ng Jaka Plaza kahapon ng umaga.
Hinabol ng dalawa ang Abante reporter na nakasakay ng Jet-100 at nang maabutan sa tapat ng Uniwide Warehouse Club ay pinara.
"Pulis ka ba! Bakit ang sama ng tingin mo!" galit na pagkakasabi ng isang pulis na naka-jacket na tila nag-i-interrogate sa crime suspect.
Imbes na magpaliwanag, inabot na lamang ng Abante reporter ang ID upang magpakilalang miyembro ng media subalit patuloy pa rin sa pagngawa ang dalawang pulis at hiningi na ang driver’s license at registration ng reporter na agad namang inabot sa dalawa.
Nangatuwiran naman ang reporter ng pahayagang ito na wala namang ipinapairal na batas na nagbabawal sa pagtingin sa mga pulis. Bukod dito, kasalubong ng reporter ang dalawang pulis dahil nag-counter flow ang mga ito bukod pa sa wala pang plate number ang kanilang sasakyan at hindi rin sila naka-helmet.
Dahil sa walang makitang butas, ikinatuwiran ng dalawang pulis na ang suspek sa pambobomba sa Honda CRV sa San Dionisio, Parañaque noong Miyerkules ay isang lalakeng naka-motor at itim na jacket at trabaho lang daw ang kanilang ginagawang pagpara sa sasakyan ng reporter na ito.
Hindi naman nakuha ng Abante reporter ang name plate ng naka-jacket na police samantalang ang ikalawa ay nakaitim na t-shirt lamang at naka-face mark.
Monday, December 12, 2005
Pulis Paranaque, bawal tignan!
From Abante:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment