Monday, December 19, 2005

In Arroyo's proposed Constitution, trapo power triumphs

PCIJ has a report on the Con Com proposal.

UPDATE: Cha-cha isang malaking panloloko ng Arroyo admin at ng Arroyo appointed CONCOM nito:

Kung inyong natatandaan ang ideyang pagpapalit sa Konstitusyon ng ating Republika ay lumutang bunsod ng matinding krisis sa pulitika na pinagdaraanan ng ating bansa.

At ang panukalang pagpapalit sa sistema ng gobyerno ay base sa rekomendasyon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na si House Speaker Jose de Venecia na sinusugan na rin ng ilang pulitiko partikular ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa takbo ng mga pangyayari matapos na ihayag ng ConCom ang kanilang pag-aaral, tila lumihis ang tunay na layunin ng panukalang pagpapalit sa sistema.

Lumabas na nga ang katotohanan sa likod ng inilulutang na pagpapalit ng Konstitusyon, na ang lahat ng ito ay may kaugnayan lamang sa pagkakaloob ng dagdag na kapangyarihan.

Hindi ba’t isa rin sa rason kaya’t piniling manahimik ng sambayanang Pilipino sa kabila ng malaking kuwestiyon sa kredibilidad ni Mrs. Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas ay dahil sa pangakong sa sandaling magpalit ang sistema ang ating lipunan, kasunod na rin nito ang pagkawala sa kapangyarihan ng Pangulo?

Pero bakit bigla naman yatang nagbago ang plano?

Kung kakatigan ng liderato ni Pangulong Arroyo ang ConCom report, malinaw na indikasyon nito na niloloko lamang tayo ng gobyernong ito
.

UPDATE: P2B fund ikakasa para sa Cha Cha. I'm sure this is money well spent. LOL.

No comments: