Friday, December 09, 2005

Maganda sanang tanungin ito kay Garci boy

here are transcripts (source: PCIJ) of 2 Garci conversations re kidnapping. Tell me what you think guys.

Conversation between Gary (V. Garcillano) and a certain Boy (believed to be either Renault "Boy" Macarambon or Renato "Boy" Magbutay) on or about 05 13:41 hotel June’04

Boy: Hello, sir. Si Rashma parang nandyan sa Manila.

Garcillano: Nasa Manila? Naku delikado. Hindi ba natin makontak?

Boy: Walang ano … In-off ang cellphone. Pinahanap ko sa ISAFP.

Garcillano: Ah ... delikado yan.

Boy: Oo nga, sabi ko sa ISAFP doon kay Colonel Undug sa Zamboanga para may bargaining chip tayo dyan, eh damputin na natin ‘yung pamilya din niya. Para di na siya makapagsalita.

Garcillano: Oo nga eh.

Boy: Kasi delikado yan eh.

Garcillano: Pero nagawa bang talaga yan?

Boy: Ha?

Garcillano: Nagtrabaho ba yan?

Boy: Nagtrabaho yan sir, pero yung trabaho, limpio ang trabaho nila. Ang problema ang Kang Patangan. Baka ang sabihin siguro niyan na binaligtad ni Kang Patangan sa itaas, sa provincial level.

(line cut)

Boy: Hello, sir.

Garcillano: Boy, maghanap ka lang ng well-meaning na kamag-anak nya. Huwag mo munang pakikidnap ‘yung pamilya. Soft touch muna na puwedeng maka-persuade sa kanya o makapag … (line cut)

============

Conversation (between V. Garcillano and unidentified male)

Man: Hello sir.

Garcillano: Hello.

Man: Sir.

Garcillano: Ah tawagan mo nga si Datu Buklakbun (?).

Man: Oo sir, hindi kasi siya sumasagot eh.

Garcillano: Kaya nga eh baka ipakidnap ko siya.

Man: Hanapan ko ng paraan para makontak siya.

Garcillano: Kontakin mo kasi kailangan ko siya. Baka gusto niya makidnap siya.

Man: Oo sir, ok sir.


======
Some of the questions I would like to ask Mr. Garci:

1) did you and boy macarambon discussed re Rashma Hali?

2) Have you tried contacting Rashma Hali?

3) Ipinahanap nyo ba si Rashma Hali sa ISAFP?

4) "ipinadamput" nyo ba ang pamilya niya, para may "bargaining chip" kayo? Nakapag-hanap ba kayo ng "well-meaning" na kamag-anak?

5) Anong ibig sabihin ng "soft-touch"?

6) Kilala nyo ba si Datu Buklakbun(?)

7) Is it true na you were threatening to have Datu Buklakbun kidnapped?

8) How can you have these people kidnapped kung isang COMELEC commissioner ka lang? Do you have any help from ISAFP in doing that?

No comments: