Suspicions. After a peaceful two weeks of Southeast Asian Games competition when not a single threat of terrorism was received, suddenly the United States, Singapore and Switzerland embassies are threatened with bombing. Then last night, the PNP reported that shots were fired at the LTA Building which houses the First Gentleman's private office. Is this the start of the long predicted “terrorist” activities first announced by National Security Adviser Secretary Bert Gonzales in October, followed by Sen. Miriam Santiago's warning of an assassination plot against GMA?
Something's wrong here.
Indeedy.
UPDATE: Magkakaroon tayo ng "State of Emergency" soon?
Bombings hudyat ng 'state of emergency'
(Rey Marfil/Bernard Taguinod/Aries Cano/Vladi Eduarte)
------------------------------------
Sa harap ng kaguluhang nagaganap kaugnay ng paglutang ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano, niluluto ngayon ng Malacañang ang pagdedeklara ng state of emergency, gamit ang sariling disenyo sa paglikha ng mga bombahan sa Metro Manila.
Tahasang sinabi kahapon ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na bahagi ng ‘grand design’ ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naganap na pamamaril sa LTA Building na pag-aari ni First Gentleman Mike Arrroyo at magkakasunod na bombahan sa iba pang bahagi ng Metro Manila.
Halata umanong "stage-managed" ang mga naganap na car bombings sa harapan ng mga tanggapan ng Ernest Printing sa Caloocan City at Rounce Printing Press sa Parañaque na parehong itinuturo ng oposisyon na umano’y nag-imprenta ng mga pekeng election returns (ER’s) na ginamit sa dayaan at pinakahuli ang isa pang car bombing sa harap naman ng bahay sa Quezon City ni Antipolo Cong. Ronaldo Puno na itinuturong ‘handler’ ni Garcillano.
Maging ang naunang ‘bomb threat’ sa US Embassy na naging dahilan ng pagsasara at paghinto ng operasyon ng embahada ay bahagi lamang umano ng plano ng Arroyo government lalo’t gobyerno rin ang pinagmulan ng impormasyon hinggil sa bomb threat.
"Oo, niratrat. Setting the stage. Mukhang stage-managed," ani Lacson kung saan pinagtawanan ang drama ng Malacañang dahil palpak ang mga karakter na gumanap sa kanilang palabas, sa pangunguna ng Presidential Security Group (PSG).
"If this is a series of activities stage-managed by the Palace to justify a declaration of state of emergency or even martial rule, then we should appeal to our people to be vigilant," anang senador.
Inihalimbawa ni Lacson ang pamamaril sa LTA Building. "It was shot at 4:30 a.m. Ang aga nina (National Capital Region Police chief Vidal) Querol at (PNP chief Arturo) Lomibao. But ‘yung mga tao pinapasok (sa crime scene) mga 11 a.m., masyadong late," ani Lacson.
"And some witnesses saw members of PSG collecting empty shells. Di ba kailangan sa investigation ‘yan? Baka sila rin ang namaril kaya tinatago nila. An empty shell could be subjected to ballistics and ma-trace ang firearm. Bakit nila nilinis ang lugar? Maraming questions that needs to be answered. Kaya sinasabi natin huwag sila magkamali dahil lumalabas din," ani Lacson.
Aniya, dapat maging alerto ng sambayanan sa pagbabantay ngayong ibinabalik ni Mrs. Arroyo ang naunsyaming planong magdeklara ng state of emergency upang pagtakpan ang lahat ng eskandalong kinasasangkutan nito.
Maging ang mga kongresistang oposisyon ay naniniwalang iskripted ang naganap na bombahan at malamang umanong isang grupo lamang ang nasa likod ng apat na insidente.
"Kasama sa script," pahayag ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva.
Sinabi naman ni Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino III na mayroong lamang gustong manakot kaya pinagsabay-sabay ang pag-atake na malabong kagagawan ng terorista dahil mahihinang bomba ang ginamit. Aniya pa, nagpapaalala ito sa senaryo bago idineklara ang Martial Law noong 1972.
Ganito rin ang pahayag ni United Opposition (UNO) President at Makati Mayor Jejomar Binay. "We are bothered by these events. It is not unlikely or far-fetched that this might very well be an ‘inside job’, considering the minor damage created, and the stature of the targets."
Nagpahayag pa ng pagtataka si Binay kung paanong naisagawa ang ganitong karahasan lalo’t matinding government security ang ipinagkakaloob sa mga personalidad na nabiktima (G. Arroyo at Cong. Puno).
Kaugnay nito, inilagay naman ni Querol sa full alert status ang NRCPO at dinoble ang seguridad sa mga matataong lugar tulad ng mga malls gayundin sa mga embahada at iba pang vital installations.
Sa gitna ng pag-ako ng isang nagpakilalang grupong "Enlightened Warriors" at isang "Miguel Alonzo" na umano’y nakikipaglaban para matapos na ang pamamayagpag ng mga sinungaling at magnanakaw na nakaupo sa gobyerno, sa nangyaring karahasan, nagpatawag ng close-door meeting si Querol at mga district directors at ipinag-utos ang mas pinatinding pagmamanman sa galaw ng grupo ng mga terorista.
No comments:
Post a Comment